BLOG NO.2 (ISKWATER)
KABATANA II - Gawain 1
Pagtataya
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Sagot: Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na naninirahan sa iskwater.
2. Mayroon bang mga paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
Sagot: Mayroon, yun ay ang ano ba ang dahilan kung bakit naninirahan pa rin ang mga mayayaman sa lugar ng mga iskwater na kung saan ang mga mahihirap lang dapat ang naninirahan doon, isa sa mga katanungan yun na hindi rin tuwirang nasagot ng may akda.
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa? Ipaliwanag.
Sagot: Ipinapakita ng may akda doon kung ano ang sitwasyon ng pamumuhay sa iskwater, kung gaano pa ito hindi kagulo sa kasalukuyang panahon at kung gaano naman ito kagulo at kaingay ngayon dahil nga sa mga nagsisisulputang malalaking bahay. Gustong iparating ng may-akda na kung bakit may mga mayayaman, na lumipat at tuluyang naririrahan sa iskwater.
4. Ano-anong mga ideya ang sinang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinang-ayunan? Bakit?
Sagot: Sinabi sa sanaysay na ilang beses na nagbanta ang pamahalaam na idemolis ang mga bahay doon at isa sa mga magustuham ko ang ideyang ipaglaban nila na walang dumadanak na dugo, at ito ay sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan, hindi gaya ng magulong pag dedemolis kung magsasagupaan ang dalawang parte madaming masasaktan at mamatay. Ang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang pagtira ng mga mayayaman sa mapayapang munting tahanan sa lugar ng mga iskwater dahil sila mismo ang nag dudulot ng ingay sa pamamagitan ng pagtugtog ng kanilang komponent.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
Sagot: Nakakaugnay sa paraang gagawin mo ang lahat para lang mabuhay, para lang malagpasan ang buong araw. Gaya ng mga tao sa iskwater na gustong-gusto ng umalis sa lugar na puno ng padurusa, ngunit hindi nila magawa dahil hindi na ipatupad ang ipinangako ng gobyerno na ibibigay sa kanila ang bagong tahanan na patuloy parin silang nagtitiis magkaroon lang ng tahanan at mabuhay, nakakaugnay ako sa paraang sa buhay ko din ay may mga ninanais akong mangyari na malabo ko mang makamit ay ipinagpapatuloy ko pa rin siyang ipaglaban kahit minsan para gusto mo ng bumitaw pero nandyan pa rin upang tiisin ang hamon ng buhay.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
Sagot: Marami kasing mga tao ang hindi naiintindihan kung ano nga ba ang meron sa iskwater, yung iba akala nila sa iskwater nandoon lahat ng kriminal, madumi, kadiliman at iba pa. Pero dahil sa pagtalakay sa sanaysay na ito nabubuksan ang ating isipan kung ano ba talaga ang meron sa iskwater. Parehas parin ang aking pananaw at nalalaman tungkol dito dahil alam ko na maliban sa sobrang hirap ng buhay dito, naiintindihan ko sila kung bakit nila pinaglalaban ang kanilang tahanan na nakatirik sa lupaing hindi nila pagmamay-ari ito ay dahil iyon na lang ang natatanging pag-asa nila upang mabuhay. At dumagdag na lang sa aking kaalaman na mayroon palang mga mayayaman na nakatira sa iskwater. Kaya’t sa pamamagitan ng sanaysay na ito makikita natin ang tunay na kalagay sa iskwater at bakit gusto nilang mapanatili dito.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
Sagot: Page narinig natin ang salitang ISKWATER ay masasabi mo talaga na ito ay bahayan ng mga naghihirap, kahit tayo ay mamananaliksik makikita mo agad ang mga lalabas na impormasyon ay mababasa mo ang bansang Pilipinas, dahil madami pa rin sa ating bansa ang naninirahan sa iskwater dahil sa wala silang mapag tirikan ng kanilang barong-barong o wala talaga silang matinong tahanan. May mga mayayaman din talaga na sa iskwater nakatira upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis. Madalas sa iskwater din nakatira ang mga mayayamang kriminal o negosyante na gumagawa ng illegal para doon sila ay magtago. Ang mga teksto na nandito ay base sa tunay na larawan ng lipunan sa ating bansa na kailanma’y hindi magawang resolbahin ng ating gobyerno.
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Comments
Post a Comment