BLOG NO. 1 (ISANG DIPANG LANGIT"

 1.Mungkahing Gawain 

1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.

- Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?

-        Ang uri ng tulang ito ay maaari itong masasabing Tulang ELIHIYA, dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan at hirap na dinaranas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.


 -   Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin ang pagsusuri?

PAKSA o TEMA

-          Ito ay pinaagatang “ Isang Dipang Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –asang maabot pa at matanaw ang sikat ng araw na tanda ng tagumpay habang nasa loob mg bilangguan ang manunulat.  


- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

DIWA/TEMA

     -Karanasan ng mga kinukulong

    -Pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw

   -Matutong ipaglaban ang iyong karapatan


-   Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.


"Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko."

    -Ito ang pinakamagandang saknong na aking nagustuhan dahil sinasabi dito na dapat hindi matatakot sa mga pangyayari o hamon dahil ito ay parte ng ating buhay. Bilang isang tao na nabuhayan sa mundo na mapanghusga, buong lakas at loob na patatagin natin ang ating pananampalataya sa Diyos, dahil ang "NAAAPI AY DI LAGING API" tanging Diyos lang ang maghihiganti.


2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. 


Sino si Amado V. Hernandez? 

(13 Septyembre 1903 - 24 Marso, 1970)

Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula at  peryodista. Itinanghal na orden ng mga Pambamsang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan noong 1973. Si Amádo V. Hernández  mas kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitika.


3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez.

- Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.

   Maikling Kwento ng "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernadez

     Sa isang bayan ng Antipolo, na kung saan payapang nagtatawanan at nagkakasiyahan ang mga tao,  may mga pamilyang nilulubos ang gabi ng kasiyahan. Mga mga taong kahit sa maliit na bagay ay kuntinto na tulad ng isang taong  ito na naglilingkod para sa kanyang bayan . Siya ay isang pulis na si Pulis Antonio C. Lopez na isang mabuti at magiting. Siya ay dalawampu't pitong gulang.

     Isang araw, si Antonio ay naglalakad sa gitna ng kasiyahan, minamasdan ang mga bituin sa kalangitan , ihip ng hangin ay nilalanghap, mga musikang pinapakinggan na may damdamin. Siya ay may maamong mukha, lahat ay natitingala at lahat ng nakakasalubong ay mapapansin siya.

     Makalipas ang ilang oras ng kanyang paglalakad may narinig siya na tila ba'y mga apak ng paa na sumusunod sa kanya, dahil dahil sa di inaakalang trahedya, siya ay dinampotbat dinala sa maliblib at madilim na lugar na kung saan marami ding mga taong naka kulong, mga taong nagugutom na tila ba'y mga kalansa'y ang mga mukha.

      Sa kanyang pagmamasid sa paligid, siya ay nakarinig ng mapa-it na panaghoy ng pagpapakasakit na dito'y kanyang naririnig. Ito'y bilanggoan na puno ng kalupitan, pagdadalamhati't pighati at pagluluksa na tila isang impyerno na di kailanman matatakasan.

        Si Antonio ang magiting na pulis ay hindi natatakot, dahil siya ay isang matatag at malaki ang pananampalataya niya sa itaas, lahat ng pasaki't pighati kanya'y tiniis dahil alam niya ang pagsubok na ito ay parte ng kanyang buhay , dahil alam niya na ang "NAAAPI AY DI LAGING API" ang kanyang puso ay babangon at labanan ang hamon para maka-alis dito sa takdang panahon at yun ay maniwala at palakihin ang pananampalataya sa itaas.

     

Comments

Popular posts from this blog

BLOG NO.5 (ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO)

BLOG NO.3 (SANAYAN LANG ANG PAGPATAY)