BLOG NO.3 (SANAYAN LANG ANG PAGPATAY)
GAWAIN 2
Pagtataya
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
Sagot: Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo SJ. Ayon sa kanya, hindi mahirap ang pumatay ng isang tao ngunit para lamang itong butiki na pinapaslang.
2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
Sagot: Ang hayop na pinapaslang sa tula ay Butiki dahil maiihalintulad ito sa sa pagpaslang sa mga taong walang kalaban-laban, sila ang mga taong mang mang sa lipunan, dahil marami pa ring mga mamamayan na di kayang ipaglaban ang karapatan, dahil sila ay takot patatayin at alipustahin.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
Sagot: Para po sa akin , ang ibig sabihin ng huling taludtud at walang hinto ang pagpaslang ng mga taong hindi kayang ipaglaban ang mga Karapatang Pantao at napakadali lang para sakanila ang pumatay. Masasabi natin na ang mga taong pumapatay ay normal na sa kanila ang ganitong gawain dahil meron silang lakas ng loob at marami itong kasamahan at ganun na din ang kanilang ginagawa at naging malalim na ang pagsasamahan.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
Sagot: Inaalay ito ng may akda sa mga taong walang awa, walang puso, mga walang konsensya, mga nang aabuso ng mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang isang tao. At isa na din dito ang mga nasa matataas sa lipunan( minsan nasa pang gobyerno o mga taong may kakayahan na kung saan binabayaran nila ito at ipinapatay ang mga taong walang lakas na loob para lumaban.
MungkahingMungkahing Gawain
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyon papel hinggil sa kasong nasaliksik.
“Ang walang katarungan ay dagdag lamang sa Pasakit” Pagpatay, Pagkawala at Kalayaan sa Batas sa Pilipinas
"LAGOM"
"Repleksyon"
Ayon sa aking pananaliksik ang kaso ng pagpaslang sa biktima ng isang di makatarungang pagpatay na si Fernando Baldomero ay hindi itinuloy ng mga pulis ang paghahanap ng katibayan na kasangkot ang militar sa pagpaslang sa 61-taong gulang. Si Baldomero—ang panlalawigang tagapangasiwa ng makakaliwang partido na Bayan Muna, at isang konsehal ng bayan sa Lezo, lalawigan ng Aklan binaril siya sa ulo at leeg. Siya ay dating miyembro ng New People’s Army(NPA). Dalawang dekada na ang nakaraan. si Baldomero ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA), ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP), ngunit kumalas na siya sa NPA sumunod ng kanyang pagkakalaya mula sa bilangguan noong 1994.
Ang pag-iimbestiga ng kapulisan sa ibinibintang na di makatarungang pagpatay at mga “pagkawala” ay hindi sapat. Ang ilang importanteng detalye sa pag-iimbestiga ay madalas na pinagwa-walang bahala kabilang ang epektibong pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen at paghahanap ng saksi. Nagpalala pa sa problemang ito ang pagakabigo ng mga imbestigador na makuha ang ebidensya ng pagkakasangkot at kawalan ng kooperasyon ng militar. Bihirang binibigay ang kinakailangang proteksyong para sa mga saksi.
Ang pangmatagalang problema sa sistema ng hustisya ay pinalala pa ng mga kaso ng paglabag sa karapatan na kung saan ang mga biktima at saksi ay natatakot sa paghihiganti ng mga sundalo.
Ang mapag-abusong ugali ng security forces ay magpapatuloy kung ang mga nagkasala ay hindi mananagot sa kanilang mga ginawa. Sa pagbaba ng kaso sa paglabag ng karapatang pantao, nangangailangan ito ng bagong patakaran at pakiki-isa para sa reporma ng mga nakatataas na opisyal; kailangang malaman ng mga nagbabalak gumawa ng kasamaan na sila’y mapupunta sa bilangguan at magugulo ang kanilang maayos na pamumuhay kung sila’y makikilahok sa ganitong mga pang-aabuso. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay dapat mapagtibay ang epektibong hakbang upang wakasan ang hindi makatarungang pagpatay at mga mananagot ang mga nagkasala upang maiwasan ang paulit-ulit na ganitong pangyayari.
Karagdagan sa mga pang-aabuso, sinusuri ng ulat na ito ang kakulangan sa pagsisikap ng pamahalaan upang siyasatin at usigin ang malubhang paglabag sa mga karapatang pantao nitong huling dekada, at ang patuloy na kabiguan ng estado upang managot ang mga nagkasala.
Ang pag-atake ng NPA sa mga sibilyan, ang pang-abuso at pagpatay sa mga taong nasa ilalim ng pag-iingat nila ay isang malubhang paglabag sa batas ng digmaan. Sa mga gumagawa o nag-uutos sa mga ganitong pang-aabuso ay responsable sa krimen ng digmaan.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may tungkulin at obligasyon na protektahan ang populasyon mula sa mga mapaghimagsik na atake. Gayunpaman, ang mga pang-aabuso ng mga rebelde ay hindi kailanman maging dahilan ng paglabag sa batas ng digmaan o paglabag sa karapatang pangtao ng sino mang government security forces. Kasama dito ang di makatarungang pagpatay ng sinomang tao kabilang ang di-umano’y kasapi ng grupong pulitikal at grupo ng civil society na maaring sumuporta sa ipinaglalaban ng mga rebelde.
4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't ibang isyu ukol sa karapatang pantao.
Bilang isang mamamayang Pilipino. Kahit sino may karapatang pantao. Mapa bata, matanda, lahat ay mayroon karapatan na magkaroon ng magandang pamumuhay, edukasyon, desisyon, at atbp. Dahil ang Karapatang Pantao ay nabibigyan ng kalayaan, kalakasan, kasiyahan, dignidad at atbp, na mamuhay ang isang tao na puno ng pagmamahal at respeto sa bawat taong makakasalamuha nito.
Sa ating lipunan sa ngayon, kadalasang pinagkakait ng iba ang karapatan ng isang tao na mag desisyon. Dahil kapag sarado ang isip ng tao ay wala itong magagawa para pigilan sila. Dahil ilalagay nito sa isip nila na hindi nila kaya ito kapag walang taong diktahan sila sa kanilang ginagawa, kaya minsan nagiging bukas na oportunidad ito sa mga taong matataas ang posisyon sa ating lipunan na kuntrolin ang mga Karapatang Pantao.
5. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng lipunang realidad at ng panitikan.
Ang pantikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, mapag-aralan natin ang iba't-ibang realidad sa ating lipunan lalong lalo na sa mga Karapatang Pantao na nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay , lipunan, pamahalaan at relihiyon, mga karanasang nakukulayan ng iba't-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba
Comments
Post a Comment