Posts

BLOG NO.5 (ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO)

 Gabay sa Pagsusuri  Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:   1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?  Sagot: Ang pamagat ng tula ay ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUHAY RIN SA KRUS NG KALBARYO ni Rolando A. Bernales ito ay patungkol sa isang pagpapahirap na dinadanas ng isang bakla na kung saan lahat ng pag-aalipusta, diskriminasyon at iba pa na mga negatibong mga salita ay kanilang nararanasan. Gayun na lamang ang sinabi ng may-akda sa pamagat dahil lahat naman ng sinabi ng may akda ay totoo, hindi ito makakaila ng karamihan kait sila mismo, dahil sa mata ng karamihan sila ay salot ng lipunan. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?  Sagot: Ang sinasabi sa Tula na may iba't-ibang mukha: mga bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Ang...

BLOG NO.3 (SANAYAN LANG ANG PAGPATAY)

GAWAIN 2 Pagtataya  Gabay sa Pagsusuri 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Sagot:    Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo SJ.  Ayon sa kanya, hindi mahirap ang pumatay ng isang tao ngunit para lamang itong butiki na pinapaslang. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?  Sagot:   Ang hayop na pinapaslang sa tula ay Butiki dahil maiihalintulad ito sa sa pagpaslang sa mga taong walang kalaban-laban, sila ang mga taong mang mang sa lipunan, dahil marami pa ring mga mamamayan na di kayang ipaglaban ang karapatan, dahil sila ay takot patatayin at alipustahin. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula? Sagot:   Para po sa akin , ang ibig sabihin ng huling taludtud at walang hinto ang pagpaslang ng mga taong hindi kayang ipaglaban ang mga Karapatang Pantao at napakadali lang para sakanila ang pumatay. Masasabi natin na ang mga taong pumapatay ay no...

BLOG NO.2 (ISKWATER)

Image
KABATANA II - Gawain 1  Pagtataya    Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri: 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? Sagot: Ang sentral na paksa ng sanaysay ay umiikot sa kahirapan ng mga tao na naninirahan sa iskwater. 2. Mayroon bang mga paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.  Sagot: Mayroon,  yun ay ang  ano ba ang dahilan kung bakit naninirahan pa rin ang mga mayayaman sa lugar ng mga iskwater na kung saan ang mga mahihirap lang dapat ang  naninirahan doon, isa sa mga katanungan yun na hindi rin tuwirang nasagot ng may akda. 3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa? Ipaliwanag.  Sagot: Ipinapakita ng may akda doon kung ano ang sitwasyon ng pamumuhay sa iskwater, kung gaano pa ito hindi kagulo sa kasalukuyang panahon at kung gaano naman ito kagulo at kaingay ngayon dahil nga sa mga nagsisisulputang malalaking bahay....

BLOG NO. 1 (ISANG DIPANG LANGIT"

 1.Mungkahing Gawain  1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez. - Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? -        Ang uri ng tulang ito ay maaari itong masasabing Tulang ELIHIYA, dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan at hirap na dinaranas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.  -   Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin ang pagsusuri? PAKSA o TEMA -          Ito ay pinaagatang “ Isang Dipang Langit” sapagkat ito ay tumutukoy sa pag –asang maabot pa at matanaw ang sikat ng araw na tanda ng tagumpay habang nasa loob mg bilangguan ang manunulat.   - Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. DIWA/TEMA      -Karanasan ng mga kinukulong     -Pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw    -Matutong ipaglaban ang iyong karapatan -...