BLOG NO.5 (ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO)
Gabay sa Pagsusuri Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri: 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? Sagot: Ang pamagat ng tula ay ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUHAY RIN SA KRUS NG KALBARYO ni Rolando A. Bernales ito ay patungkol sa isang pagpapahirap na dinadanas ng isang bakla na kung saan lahat ng pag-aalipusta, diskriminasyon at iba pa na mga negatibong mga salita ay kanilang nararanasan. Gayun na lamang ang sinabi ng may-akda sa pamagat dahil lahat naman ng sinabi ng may akda ay totoo, hindi ito makakaila ng karamihan kait sila mismo, dahil sa mata ng karamihan sila ay salot ng lipunan. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? Sagot: Ang sinasabi sa Tula na may iba't-ibang mukha: mga bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Ang...